Sagot: Ang pagbanggit sa Misa ng mga intensiyon na ipinalista sa opisina ay hindi kailanman naging normative. Ang Misa ay pagdiriwang na pang-sambayanan na inaalala at isinasa-ngayon ang pag-aalay na ginawa ni Kristo para sa BUONG sangkatauhan. Samakatuwid, ang bawat Misa ay para sa BUONG sangkatauhan at ang mga intensiyon ng bawat isa ay kasama na sa ginagawang pagdiriwang.
Ang ginagawa nating pagpapamisa ay paghingi ng tanging panalangin sa paring nagmimisa at ang binibigay nating salapi ay hindi bayad para sa padasal o para sa Misa bagkus ito ay pagbibigay tulong natin sa parokya.
Hindi nabibili o natutumbasan ng salapi ang mga Sakramento. Kung babanggitin sa bawat Misa ang lahat ng nagpamisa ay parang tayong artistang nagpapasalamat sa sponsors.
Iscriviti a:
Commenti sul post (Atom)
1 commento:
tunay na malinaw at may kaliwanagan
Posta un commento