Sagot: Sa Salita ng Diyos , sa Eukaristiya,
sa Kaparian at sa Sambayanan
Si Kristo ay matatagpuan sa kanyang Salita, sa mga Pagbasa, sa Salmo, sa Mabuting Balita at sa Homiliya. Kaya tinatanggap natin si Kristo bilang Salita ng Diyos, dahil siya ang Salitang Nagkatawang Tao. Kaya dapat tayong makinig at huwag ma-late sa Misa.
Si Kristo ay matatagpuan sa kanyang Katawan at Dugo na tinatanggap natin. Siya mismo ang tinapay at alak na pinakikinabangan natin.
Si Kristo ay matatagpuan sa kanyang mga inordenahang kaparian na isinugo niya upang ipagpatuloy ang kanyang gawain.
Si Kristo ay matatagpuan sa ating lahat na kanyang hinirang na sambayanan. Tayong mga nakatanggap ng Espiritu Santo at bahagi ng kanyang Mistikal na Katawan, at nakinabang sa kanyang Katawan at Dugo ay presensiya niya sa mundo.
martedì 6 marzo 2007
Iscriviti a:
Commenti sul post (Atom)
Nessun commento:
Posta un commento