Ito ang schedule:
6 am Mass
7:30 am Panalangin ng Kristiyano sa Maghapon: Lauds
8 am Misa ng Bayang Pilipino (Totoo na ito at sasayaw si Padre. Hahaha)
9-ish am Palaro
12-ish noon Potluck Lunch (Kung pupunta kayo, magdala ng food to share, parang Xmas party)
4:30 pm Harana kay Maria
5 pm Mass presided by the Bishop
6-ish pm Procession
7:30-ish pm Concert na may ACOSTIC sengers :))
Kung gusto niyo nang may inuman, kayo magpainom. Inabono ko ang pera ko sa budget ng fiesta. K?
Again, pag umattend kayo at marami kayo, iparereserve ko ang isang part ng church at bago ang concluding rite, babatiin ko kayo sa microphone. Pag binati kayo, tatayo kayo at mag-wu-woooh at magwewave. Parang wowowee. K?
* Paano pumunta sa OLPH? Ang OLPH ay nasa Jersey Rd, Project 8, QC. Kung galing ka ng Munoz, may madadaan kang caltex na may katapat ng shell. Derecho ka pa lampas nito hanggang makakita ka ng stoplight. Pag dating sa stoplight, tumingin ka sa kanan at may makikita kang arko, nakalagay "Maligayang OLPH Kapistahan" na natangay ng bagyo kaya ang mababasa na lang ay "Maligayang OLPH Kapihan." Ang street na ito ay Sta Gertrudes. Pumasok ka sa kunwaring subdivision at makikita mo na ang simbahan. Maliwanag?