martedì 3 marzo 2009

OLPH Proj 8 - Lent 2009

LENT
1. RITE OF CHRISTIAN INITIATION FOR ADULTS
Layunin: Ihanda ang mga nais maging kaanib ng Simbahang Katoliko na ipagdiwang at tanggapin ang mga sakramento ng pag-anib sa Sambayanang Kristiyano
Description: Binubuo ang prosesong ito ng mga ritual ng pag-anib, katekesis at paghuhubog ng diwa na naghahanda sa mga katekumeno na tanggapin ang mga sakramento ng binyag, kumpil at eukaristiya.
Kalahok: Catechetical Ministry at Worship Coordinator
Mga gagamitin: Catechetical modules at Ordo Initiationis Christianae Adultorum
Araw at Oras: Mula Enero hanggang Abril (on-going)

2. AREA MASSES AND STATIONS OF THE CROSS
Layunin: 1. Misa - Ihanda ang nasa bawat area para sa pagdiriwang ng Triduo ng Paskuwa
2. Daan ng Krus – Pagkakataon para sa higit na pananalangin at sa pagbuo ng pamayanan sa pamamagitan ng pagdarasal at pakikiisa sa paglalakbay ni Hesus sa kalbaryo
Description: Misa sa Area at Daan ng Krus sa mga kalyeng sakop sa nasabing area
Kalahok: Servers, Lectors, EMHCs, Greeters, Music Kalahok must schedule ministers for each Mass
Servers carrying the cross and 2 torches
BEC zone coordinators must assign houses
Zone residents lead the prayers
Mga gagamitin: Mass Kit, Via Crucis Prayer Guides, Cross and Torches
Araw at Oras: Scheduled by Zone Coordinators (refer to schedule)

 
3. STATIONS OF THE CROSS IN THE CHURCH
Layunin: Para ang mga nagsimba sa simbahan ay magkaroon din ng pagkakataong makapag-Daan ng Krus
Description: Daan ng Krus sa loob ng Simbahan
Kalahok: Servers 
Lectors or Volunteers to lead the praying of the Stations
Mga gagamitin: Via Crucis Prayer Guides
Araw at Oras: Every Friday (after the Mass)

4. PENITENTIAL SERVICES (KUMPISALANG BAYAN)
Layunin: Pagkakataon upang magkaroon ng mas makahulugang pagdiriwang ng pakikipagkasundo
Description: Pagdiriwang ng Salita ng Diyos na may pagninilay at pagsusuri ng budhi
Mga gagamitin: Rite

a. PENITENTIAL SERVICE FOR CHILDREN
Kalahok: Servers
Catechists
Confessor
Araw at Oras: March 31 | 3 pm
Lugar: Formation Room

b. PENITENTIAL SERVICE FOR YOUNG PEOPLE
Kalahok: Volunteers from UST
PYM
Confessor
Araw at Oras: March 14 | 7:30 pm
Lugar: Formation Room

c. PARISHIONERS 
Kalahok: Confessors
Lectors (2)
Worship Coordinator
Araw at Oras: March 28 | 5 pm
Lugar: Simbahan

d. PARISHIONERS
Kalahok: Confessors
Lectors (2)
Worship Coordinator
Araw at Oras: April 8 | 7:00 pm
Lugar: Simbahan

 
5. FORMATION ON HOLY WEEK AND THE EASTER TRIDUUM
Layunin: Ihanda ang mga lingkod (Kalahok) at mga parokyano para sa pagdiriwang ng Mahal na Araw at Triduo ng Paskuwa sa pamamagitan sa pamamagitan ng paghuhubog upang higit na maintindihan ng mga tao ang mga pagdiriwang
Description: Isang talk ukol sa Holy Week at Easter Triduum
Kalahok: Worship Ministries, Parishioners
Mga gagamitin: Laptop, LCD Projector
Araw at Oras: March 28 | 7:30 pm 

HOLY WEEK
6. HOLY WEEK AND TRIDUUM PRACTICES
Description: Pagsasanay sa mga gagawin at magaganap para sa Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria
Kalahok: Lahat ng Worship Ministries, Ministers assigned
Mga gagamitin: Lahat ng gagamitin para sa mga pagdiriwang
Araw at Oras: Huwebes Santo | 11 am
Biyernes Santo | 10 am
Sabado de Gloria | 3 pm

7. PALM SUNDAY OF THE LORD’S PASSION
Description: Paggunita at pagdiriwang ng pagpapakasakit at kamatayan ng Panginoon pati ang kanyang maringal na pagpasok sa Jerusalem
Kalahok: Lahat ng Worship Ministries
Mga gagamitin: Palaspas at lahat ng kailangan sa Misa
Araw at Oras: April 5 | Sunday Schedule

* Principal Mass: 8 am (Solemn Procession) 
8:30 am (Mass)
Kalahok: Mga batang aawit ng Hosanna
Mga maghahanda ng 3 kubol
Mga apostoles 
Lahat ng Worship Ministries

8. PABASA
Description: Pagdarasal ng Pasyon
Kalahok: Zones, Ministries, CBO, Lahat ng Parokyano - may schedule
Mga gagamitin: Kopya ng Pasyon, Lugar ng Pagbasa, Pakain
Araw at Oras: Lunes Santo
Lugar: Basketball court

9. CHRISM MASS
Description: Pagdiriwang ng Misa kung saan gagawing banal ang mga langis na ginagamit sa mga sakramento, at kung saan nagsasariwa ng mga pangako ng ordinasyon ang kaparian ng Diosesis
Kalahok: Diocese of Cubao
Araw at Oras: Huwebes Santo | 7 am

 
EASTER TRIDUUM
Ang Easter Triduum ang pinakamahalaga at pinaka-solemn na pagdiriwang sa buong liturgical year.  Pinagdiriwang dito ang misteryo ng ating kaligtasan – ang Paschal Mystery (Passion, Death and Resurrection).  Dapat makibahagi ang lahat sa lahat ng gagawin sa mga araw na ito dahil dito nagaganap ang kaligtasan.

10.  EVENING MASS OF THE LORD’S SUPPER
Description: Pagsisimula ng Triduo; pagdiriwang na kung saan ginugunita ang pagtatatag ng Eukaristiya at Banal na Orden, at ang pagbibigay ng dakilang utos ng pag-ibig; dito nagaganap ang ritwal na paghuhugas ng paa; susundan ito ng Celebration of the Lord’s Passion
Kalahok: Lahat
Note: Pakikinabangan ang Katawan at Dugo ni Kristo
Araw at Oras: Huwebes Santo | 6 pm (hindi 5pm para madilim na kasi nga hapunan)
Lugar: Basketball Court

11. VIGIL BEFORE THE BLESSED SACRAMENT
Description: Pagdarasal sa harap ng Banal na Sakramento hanggang 12 mn
Kalahok: Mga grupong i-aassign o mag-vo-volunteer (sumangguni sa schedule)
Mga gagamitin: Prayer Guides
Araw at Oras: Huwebes Santo 8 pm – 12 mn 
Lugar: Simbahan

12. SUPPER 
Description: Kakain ang mga pari at mga apostoles ng simpleng hapunan
Kalahok: Mga Pari, mga apostoles at mga naglingkod sa Misa
Mga gagamitin: Pahapunan c/o Fr. Nelson (hehe)
Araw at Oras: Huwebes Santo | 8 pm

13. GOOD FRIDAY MORNING PRAYER
Description: Panalangin ng Kristiyano sa Umaga (Liturgy of the Hours – Lauds)
Kalahok: Lahat 
Paring Tagapamuno
Servers para sa Solemn Celebration
Mga gagamitin: Prayer Guides
Araw at Oras: Biyernes Santo | 7 am
Lugar: General Hospital

14. WAY OF THE CROSS
Kalahok: Lahat; Servers na mamumuno sa prusisyon; mga apostoles na mamumuno sa pagdarasal ng Daan ng Krus; mga mamumuno ng pag-awit sa daan; mga maghahanda ng mga estasyon; mga magbubuhay ng krus
Mga gagamitin: Mga estasyon, mga gabay, krus na malaki na papasanin ng mga tao
Araw at Oras: Bieyrnes Santo (pagkatapos ng Panalangin sa Umaga)
a. Route: chapel papuntang simbahan;
mas  malalayo dapat ang estasyon
mula sa isa’t isa at hindi dapat
paikot-ikot sa isang lugar; dapat tumagal ang Daan ng Krus ng 1½ oras
b. Drama: c/o Youth
c. Prayer: c/o Apostoles at resident

 
15. SEVEN LAST WORDS
Description: Pagninilay sa mga huling salita ng Panginoon bago siya matepok
Kalahok: Mga magvovolunteer o mapakikiusapang magbigay ng pagninilay
pagpili c/o Fr. Nelson 
Mga gagamitin: Sound system
Araw at Oras: Good Friday | 12 n
Lugar: Simbahan

16.  CELEBRATION OF THE LORD’S PASSION
Description: Pagdiriwang ng Pagpapakasakit at Kamatayan ni Kristo, paggunita sa paghihirap at pag-aalay ni Hesus ng buhay; babasahin ang Passion Narrative na parang drama; Panalanging Pangkalahatan; Pagpaparangal sa Krus na Banal; Pakikinabang; hindi Misa PERO kadugtong ng Evening Mass of the Lord’s Supper kaya dapat umattend ang mga tao; ang karugtong nito ay ang Easter Vigil
Kalahok: Worship Ministries (may schedule)
Apostoles na magpapahalik sa krus
Mga gagamitin: May listahan, dun na lang i-check
Araw at Oras: Biyernes Santo | 3 pm
Lugar: Basketball Court

17. BURIAL PROCESSION
Description: Prusisyon ng bangkay ni Hesus
Kalahok: Lahat ng Tao
Mga gagamitin: Imahe ng Santo Entierro at ng Mater Dolorosa na nakasakay sa carosa
mga Kandila
Araw at Oras: Biyernes Santo | pagkatapos ng Celebration of the Lord’s Passion
Route: Mula basketball court, iikot sa teritoryo ng parokya; dapat 1 oras hanggang 1 ½ oras lang ang prusisyon

18. VIGIL BEFORE THE IMAGE OF CHRIST’S CORPSE
Description: Lamay
Kalahok: Lahat
Mga nakatokang mamuno sa panalangin sa bawat oras
Mga gagamitin: Lahat ng gagamitin para sa mga pagdiriwang
Araw at Oras: Biyernes Santo | pagkatapos ng prusisyon
Lugar: Simbahan

19. TENEBRAE
Description: Lumang kaugalian na pagdiriwang ng Panalangin ng Kristiyano sa gabi
Kalahok: Nakatoka sa oras na ito at Worship Coordinator
Mga gagamitin: 9 kandila, Prayer Guide
Araw at Oras: Biyernes Santo | 9 pm
Lugar: Simbahan

 
20. HOLY SATURDAY MORNING PRAYER
Description: Panalangin ng Kristiyano sa Umaga (Liturgy of the Hours – Lauds)
Kalahok: Lahat 
Paring Tagapamuno
Servers para sa Solemn Celebration
Mga gagamitin: Prayer Guides
Araw at Oras: Sabado de Gloria | 8 am
Lugar: Sitio Militar Chapel/Santo Cristo Chapel

21. RCIA FINAL PREPARATIONS
Description: Paghahanda sa mga bibinyagan
Kalahok: Catechetical Ministry
Worship Coordinator
Fr. Raul
Mga Bibinyagan
Mga Ninong at Ninang
Mga gagamitin: Rite; Oil of Catechumens
Araw at Oras: Sabado de Gloria | 9 am

22.  EASTER VIGIL
Description: Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo; karugtong ng Celebration of the Lord’s Passion; service of light; liturgy of the Word (9 readings); liturgy of Baptism; liturgy of the Eucharist; concluding rite
Kalahok: Worship Ministries
Apostoles
Catechetical Ministry
Mga Bibinyagan
Mga gagamitin: May listahan, dun na lang i-check
Araw at Oras: Sabado de Gloria | 9 pm

23. SALUBONG
Description: Prusisyon ng imahe ng Pagkabuhay at ng BVM, na may pagbati (Regina Caeli)
Kalahok: Lahat
Mga batang nakagayak na anghel
Mga taga-awit
Mga magpapaputok
Paring magbibigay ng basbas
Mga gagamitin: Imahe ng Pagkabuhay at ng BVM na nakasakay sa carosa
Mga paputok
Araw at Oras: Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
pagkatapos ng Easter Vigil

24. EASTER SUNDAY
Description: Pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng Panginoon; sa misa may sequence at pagsasariwa ng binyag
Kalahok: Worship Ministries
Mga gagamitin: Karaniwang ginagamit sa Misa
Araw at Oras: Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sunday Schedule

EASTER  (TSAKA NA TATALAKAYIN)
1. Mystagogical Catechesis
2. Liturgy Conference 2009
3. Recruitment for Lay Liturgical Ministries
4. Formation for Lay Liturgical Ministries
5. Pentecost Vigil
6. Pentecost Sunday

Nessun commento: