The following is part of the handouts I am giving out to the members of the Worship Commission of the Parish of Our Lady of Perpetual Help - Project 8.
Liturgy is an exercise of the priestly office of Jesus Christ wherein the whole public worship and the sanctification of humanity is performed by the Mystical Body of Jesus Christ, that is, by the Head and His members and is signified by signs perceptible to the senses, and is effected in a way which corresponds with each of these signs. (SC 7)
Ang liturhiya ay gawaing pampari ni Hesukristo na kung saan ang buong pagsamba ng sambayanan at ang pagpapabanal sa sangkatauhan ay ginagawa ng buong Mistikal na Katawan ni Kristo, ang ulo kasama ang katawan, at gumagamit ng mga tanda na nararanasan sa pamamagitan ng mga senses.
Gawaing Pampari ni Kristo: Pagsamba at Pagpapabanal
Ang trabaho ng pari ay mamagitan sa Diyos at bayan (mediator). Nagawa ito ni Kristo hindi sa templo kungdi sa krus, sa pag-aalay hindi ng isang tupa kungdi ng kanyang sarili. Itong pag-aalay na ginawa ni Kristo ang pinakaperpekto at pinakadakilang pagsamba sa Diyos Ama, wala ibang pag-aalay na makapapantay o makahihigit pa dito. Ito rin ang kaisa-isang pag-aalay (sacrifice) na nagdudulot ng kaligtasan sa sangkatauhan, kaligtasan mula sa kasalanan at pakikipagkasundo sa Diyos na banal. Ang liturhiya ay para sa pagsamba (glorification) sa Diyos at pagpapabanal (sanctification) para sa sangkatauhan.
Lahat ng liturhiya ay tumuturo sa at nagdiriwang ng misteryo ng paskuwa – nang ginanap ni Kristo ang kanyang pagkapari sa kanyang Pagpapakasakit, Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Nang mamatay siya sa krus, ipinasa niya sa Simbahan ang kanyang Espiritu, ang Espiritu ng kabanalan. Gayun din, kapag ginaganap natin ang liturhiya, kapag inaalala (remember) at isinasa-ngayon (make present) natin ang Paschal Mystery sa ritwal [anamnesis], nalulukuban din tayo ng Espiritu at naliligtas tayo [epiclesis]. Ang Liturhiya ay anamnesis at epiclesis.
Nagaganap para sa atin ang gawaing pagliligtas ni Kristo sa pamamagitan ng Liturhiya kaya ang Liturhiya ay extension ng Salvation History. Sabi nga sa Panalangin ukol sa mga Alay ng Pagdiriwang sa Pagtatakipsilim ng Paghahapunan ng Panginoon, “...tuwing ipinagdiriwang ang alaala ng Anak mong nag-aalay, ang pagliligtas niya sa tanan ay nangyayari upang aming pakinabangan.”
Mula sa ritwal na pagalala ng pag-aalay ni Kristo, ang Simbahan ay laging lumalago, puspos ng Espiritu hanggang sa maging ganap kay Kristo.
Ginagawa ng Mistikal na Katawan ni Kristo
Si Kristo ang nagdiriwang ng Liturhiya. Siya ang pari, altar at alay. Siya lang ang makagagawa ng pag-aalay na kalulugdan at tatanggapin ng Diyos para magdulot ng kapatawaran at kaligtasan para sa sangkatauhan dahil siya lang ang taong walang kasalanan, ang taong kinalulugdan ng Diyos. Ang kanyang pag-aalay ay pangwalang hanggan, epektibo sa lahat ng panahon. Ngunit ito ay kailangang maranasan ng mga ililigtas.
Iniwan ng Panginoon ang liturhiya, ang pagdiriwang ng kanyang misteryo, sa kanyang Simbahan – sabi ni St. Leo the Great, kung ano ang nakikita sa Panginoon ay naipasa na sa kanyang misteryo sa Simbahan. Samakatuwid ang Liturhiya ang opisyal na panalangin ng Simbahan. Ipinagdiriwang ng Simbahan ang misteryo ng kaligtasan sa liturhiya bilang Mistikal na Katawan ni Kristo, kaisa at sa kapangyarihan ng Panginoong Diyos na nagkatawang-tao, ipinako at muling nabuhay, upang magdulot ng kaligtasan, ng pakikipagkaisa sa Diyos, ng pagpapaloob sa pag-iral ng Diyos ng mga mabibiyayaan nito.
Every liturgical celebration, because it is an action of Christ the priest and of His Body, which is the Church, is a sacred action surpassing all others; no other action of the Church can equal its efficacy by the same title and to the same degree. (SC 7)
Sabi ni San Agustin, ginawa tayo ng Diyos nang wala tayo, ngunit hindi niya tayo maliligtas kung wala tayo. Ang pag-aalay ng Simbahan ay nakasalalay sa pagkakabilang ng bawat Kristiyano sa katawan ni Kristo sa pamamagitan ng Binyag. Kasama ang mga bahagi sa kung ano man ang ginagawa ng katawan. Pero hindi ito dahil nadadala lang ng katawan ang mga bahagi – hinihingi pa rin ang pakikibahagi ng bawat isa dito. Kapag ang pakikibahagi ay may higit na pagmamalay, mas malalim itong nararanasan, at mas tumitindi ang pakikibahaging panlabas at samakatuwid pati ang panloob na pakikibahagi.
Ang lahat ng nabinyagan ay bahagi ng Mistikal na Katawan ni Kristo. Samakatuwid, tayo din ay Kristo. Ang salitang “Christ” ay nangangahulugang anointed, hinirang, itinalaga. Si Kristo ay itinalaga para maging Hari, Pari at Propeta. At ganoon din lahat ng bininyagan dahil pagkatapos ng pagbibinyag, ang bawat isa ay lalagyan ng langis sa bumbunan at ina-anoint, itinatalaga gaya ni Kristo – bilang Hari, Pari at Propeta. Ang pagganap natin sa liturhiya ay pakikibahagi natin sa ating pagka-Kristong Pari. At bilang bahagi ni Kristo, tayo din ay namamagitan sa Diyos at sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagganap natin sa liturhiya, nagaganap din para sa sangkatauhan sa ating panahon ang pag-aalay ni Kristo na nagdudulot ng kaligtasan.
Mother Church earnestly desires that all the faithful should be led to that fully conscious, and active participation in liturgical celebrations which is demanded by the very nature of the liturgy. Such participation by the Christian people as "a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a redeemed people (1 Pet. 2:9; cf. 2:4-5), is their right and duty by reason of their baptism.
In order that the liturgy may be able to produce its full effects, it is necessary that the faithful come to it with proper dispositions, that their minds should be attuned to their voices, and that they should cooperate with divine grace lest they receive it in vain. (SC 11)
Kaugnay nito, walang liturhikal na pagdiriwang na pribado. Karapatan at tungkulin ng bawat binyagan ang makibahagi sa liturhiya nang buo, aktibo at may pagmamalay. Ang mga bahagi ng Katawan ni Kristo ay hindi dapat ginagawang mga tagapanood lamang at hindi dapat nanonood lang.
The Church, therefore, earnestly desires that Christ's faithful, when present at this mystery of faith [the Eucharist], should not be there as strangers or silent spectators; on the contrary, through a good understanding of the rites and prayers they should take part in the sacred action conscious of what they are doing, with devotion and full collaboration. They should be instructed by God's word and be nourished at the table of the Lord's body; they should give thanks to God; by offering the Immaculate Victim, not only through the hands of the priest, but also with him, they should learn also to offer themselves; through Christ the Mediator (38), they should be drawn day by day into ever more perfect union with God and with each other, so that finally God may be all in all. (SC 48)
Gumagamit ng mga Tanda
Dahil tayo ay tao at nabubuhay tayo sa natural na mundo, gumagamit tayo ng mga tanda upang mangusap, para mag-communicate. Ganito din sa liturhiya. Hindi tayo dumadanas sa pamamagitan lamang ng ating imahinasyon. Para tunay na maranasan natin ang isang bagay, dapat natin itong makita, madama, mahawakan, maamoy, matikman. Para ganapin ng Katawan ni Kristo ang pag-alala at pagsasa-ngayon ng misteryo ng Paskuwa, gumagamit tayo ng mga tanda gaya ng mga bagay, mga kilos, mga salita.
Ang mga tandang ito ay hindi lamang basta mga natural na bagay, o karaniwang kilos, o karaniwang salita – dahil kay Kristo, sa misteryo ni Kristo, nagkakaroon ito ng malalim na kahulugan at epektong hindi mababanaag maliban sa pamamagitan ng pananampalataya. Tinuturo ng mga makamundong tandang ito ang makalangit na mga bagay. Sa pamamagitan ng mga tanda, ang hindi nakikitang Diyos ay atin nang nakikita. Dahil nga tumuturo ang mga tanda na ito sa misteryo ng Diyos, sila ay nagbibigay ng pagpapala, ng kaligtasan. Napapaloob din sa kanila ang presensiya ng kanilang tinuturo – naroroon sa kanila ang presensiya ng Diyos.
Mahalaga sa mga tandang ito na tamang naiintindihan ng mga gaganap at tatanggap nito, dahil nakasalalay sa kamalayan nila sa mga bagay na ito ang bisa. At ang pagkakaintindi dapat ng mga tanda na ito ay pareho sa bawat yugto ng panahon dahil kung nag-iiba ang kahulugan nito, nag-iiba rin ang misteryong pinatutungkulan nito.
Dito papasok ang pagganap sa mga tanda nang tama. Kapag mali ang tanda, mali ang kahulugan, mali ang pagdiriwang, hindi epektibo. Dahil ang liturhiya ay opisyal na panalangin ng Simbahan, napapaloob ang pagdiriwang nito sa paggabay ng Simbahan. Hindi dapat lumabas ang ginagawa sa pagdiriwang sa patakarang itinakda ng Simbahan. Isa pa, ang ating liturhiya ay may mahabang tradisyon at malalim na teolohiya. Abuso ang paggawa pa ng mga bagay na labas sa mga pagpipiliang nakatakda sa mga libro.
Ano-Ano ang Maituturing na Liturhiya
Sa mga sakramento nararanasan ang misteryo ng kaligtasan sa iba’t ibang aspeto. At ang mga pagdiriwang nito ay likas na pang-sambayanan. Unang-unang halimbawa ang Eukaristiya na tatalakayin sa ika-aapat na bahagi. Lahat ng Sakramento ay gawain hindi lamang ng mga indibidwal kungdi ng buong Simbahan. Ang lahat ng liturhiya ay ipinagdiriwang nang may pakikibahagi ng Bayan ng Diyos.
Isa sa mga naiisantabi ng karamihan ang panalangin ng Kristiyano sa maghapon o Liturgy of the Hours. Mas epektibo sa lahat ng mga nobena dahil ito ay liturhiya – ipinagdiriwang ang misteryo ng Paskuwa sa pamamagitan ng pagdarasal ng mga salmong patungkol kay Kristo sa iba’t ibang yugto ng araw na nagdudulot ng pagpapabanal ng araw (day) at ito ay ipinagdiriwang kahit ng iisang tao dahil kahit siya ay nag-iisa kasama niya sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga nagdarasal din nito. At ang panalangin niya ay pakikibahagi niya sa gawain ni Kristong Pari na namamagitan sa Diyos at sangkatauhan.
Liturhiya din ang mga blessing dahil kasamang nagbabasbas ang mga buong Simbahan sa pamamagitan ng pari at ng mga natitipon. Ang binabasbasan ay hindi lang gamit kungdi pati ang mga gagamit nito.
Ang Liturhiya at ang Buhay Kristiyano
The liturgy is the summit toward which the activity of the Church is directed; at the same time it is the font from which all her power flows. For the aim and object of apostolic works is that all who are made sons of God by faith and baptism should come together to praise God in the midst of His Church, to take part in the sacrifice, and to eat the Lord's supper.
The liturgy in its turn moves the faithful, filled with "the paschal sacraments," to be "one in holiness"; it prays that "they may hold fast in their lives to what they have grasped by their faith"; the renewal in the eucharist of the covenant between the Lord and man draws the faithful into the compelling love of Christ and sets them on fire. From the liturgy, therefore, and especially from the eucharist, as from a font, grace is poured forth upon us; and the sanctification of men in Christ and the glorification of God, to which all other activities of the Church are directed as toward their end, is achieved in the most efficacious possible way. (SC 10)
Bukal at Rurok ng Buhay Kristiyano
Sa liturhiya nanggagaling ang mga mabuting gawa, ng pagsasabuhay ng pananampalataya kasi sa liturhiya natatanggap ang Espiritung magdudulot nito – ang Espiritu ng pagkupkop ng Diyos, Espiritu ng pagkakaisa, Espiritu ng kapatawaran, Espiritu ng paghilom, Espiritu ng pagtatalaga, Espiritu ng pagpapala. Ang Espiritu Santo ang nagdudulot at nagpapalakas sa bawat Kristiyano upang magpaka-Kristiyano.
Ang Liturhiya ang rurok ng buhay Kristiyano dahil ang Liturhiya ay pakikipagtagpo sa Diyos – ang pinakamataas na gawain na maaaring pakibahaginan ng tao. Ito ang pinakadakilang gawain ng Mistikal na Katawan ni Kristo. Sa pagdiriwang ng liturhiya ang gawaing pagliligtas ng Diyos ay nagaganap sa pamamagitan ng mga gumaganap dito. Ang Simbahan ay nasa kanyang pinakamahusay – sa pakikibahagi nang nararapat dito, ang bawat bahagi ay nakikibahagi sa gawain ni Kristo at mababanaag ang misteryo ng Simbahan.
Legem Credendi Lex Statuat Supplicandi: Theologia Prima
Ang pagsamba ang nagtatakda ng pananampalataya. May likas na kaugnayan ang pagsamba sa pananampalataya dahil makukuha sa pagsamba ang mga pinananampalatayanan at ang paraan ng pagsasabuhay ng pananampalatayang ito.
Sa liturhiya nakikipagtagpo ang tao sa Diyos at Diyos sa tao – sa mga pagtatagpo ito nakikilala ng tao ang kanyang Manlilikha. Hindi gaya ng teolohiya, ang pagninilay sa misteryo ng Diyos ay nararanasan at hindi lang iniisip/pinag-aaralan.
Ang tamang pananampalataya at pagsasabuhay nito ay nakaugat sa tamang pagsamba – right worship engenders right doctrine and right living.
Liturhiya at ibang Gawaing Pang-Simbahan
The spiritual life, however, is not limited solely to participation in the liturgy. (SC 12)
Popular devotions of the Christian people are to be highly commended, provided they accord with the laws and norms of the Church, above all when they are ordered by the Apostolic See. Devotions proper to individual Churches also have a special dignity if they are undertaken by mandate of the bishops according to customs or books lawfully approved. But these devotions should be so drawn up that they harmonize with the liturgical seasons, accord with the sacred liturgy, are in some fashion derived from it, and lead the people to it, since, in fact, the liturgy by its very nature far surpasses any of them. (SC 13)
Ang liturhiya ay pinakamataas na gawain ng Simbahan pero hindi lang ito ang gawain natin.
Mayroon ding tinatawag na popular piety na kinabibilangan ng mga pansariling panalangin, mga debosyon, pintakasi at mga gawaing relihiyoso na hindi opisyal na gawaing panalangin/pagsamba ng Simbahan. Ang mga ito ay nagpapayaman sa buhay-panalangin ng Kristiyano kaya hindi dapat isinasantabi. Ngunit ang mga ito ay dapat umayon sa liturhiya at dapat magdulot sa mga taong makibahagi sa mga liturhikal na pagdiriwang.
Maliban sa pagsamba at pagdalangin, kinikilala din dapat ng bawat Kristiyano ang Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral at pagninilay. Kapag higit na nakikilala ang Diyos, mas lalong higit dapat siyang sambahin.
Ang bawat Kristiyano rin ay tinatawag upang gumawa ng kabutihan at iwasan ang kasamaan. Walang silbi ang pagsamba at pagkakilala sa Diyos kung hindi naman ito naisasabuhay. Ang pananampalatayang walang mabuting gawa ay walang silbi. Isinusugo tayo ng liturhiya upang maging Kristo sa ating kapwa. Sa liturhiya bumababa ang Diyos para akayin ang tao sa kanyang piling – ganito rin ang dapat nating ginagawa sa ating kapwa.